Tuesday, July 19, 2011

"No regrets, just love"


Its been a while. Hindi ko masabing na miss ko ang pagba-blog kasi ive given up blogging eons ago (thus mga repost at vids lang lately); maybe lost of inspiration, simply put it: i had enough siguro of sharing myself. Plus the fact that i noticed na ambobo ko na mag ingles or worse hindi na ako magaling mag come up ng kaiga igayang mga pangungusap o talata. pero hindi ko naman masara itong blog na ito since i really love this blog, WAITING SHADE, kaya palagi ko paring nilalagyan kahit ng kung ano ano na lang just for the blog to stay afloat. Kasi ba naman, this was my companion nung sobrang hurt ako, nung mag isa lang ako, mga panahong sasabog ang puso ko. Pero kahit ganun pa man, wala akong pagsisisi kung anuman ang mga nangyari sabi nga ni Katy Perry "No regrets, just love". Totoo at may punto si Katy dun.

Paano nga ba nagsimula itong Waiting Shade... Literary project kasi dapat itong Waiting Shade, hmmm. Kumbaga isasalaysay ko yung mga love stories ng buhay ko at kung ilang beses ako naghintay nang naghintay sa wala rin palang patutunguhan. Yung pangalan ng blog was derived from an english lecture noong high school pa ako. Yung teacher nag pa spelling quiz and one of the items na pina spell nya ay WAITING SHED. Some answered as WAITING SHADE, siguro they mean na pag nagwait doon may Shade. May logic naman sila diba? Hehe. Since ive been waiting all my life for that love story na nakasentro sa akin and to Someone, Ive named my blog Waiting Shade, Shade being the one im waiting for and I renamed my online self CLOUD. Cloud and Shade, oha, sakto.

Then came this cover song from Tina Arena: "So Far Away" which ultimately became my favorite song. The song came from her Album "Songs of Love and Loss". Since i loved the song and was inspired by it, i borrowed her album title and refashioned it as "Tales of Love and Loss" which ultimately became my blog description.

This was supposed to be a secret blog, pero since sinara ko na yung original blog ko, eto ang napagbuntunan ng aking mga istorya, love stories full of sadness and loss. Pero siguro naman when we talk about love, im quite sure kasama nya ang salitang loss. kasi may mga pagkakataon talaga na kahit gaano ang pagmamahal may nawawala rin, may nababawasan, may nalalagas. Pag nagmahal nga yata kasi may nadadagdag sa pagkatao ngunit sa madalas may nawawala din.

So ayun ang dapat sanang Literary project ko tungkol sa mga nabigong love stories ko dati, na overwhelm ng nabigong love story ko sa kasalukuyang panahon. Kung babaliktanawin ang mga unang entries ko medyo madudugo at puno ng sakit. pero sa palagay ko ha, magaling ako magsulat pag extreme na sadness, in comparison sa blog post na ito which is inconsistent at taglish pa. Kakatakot na rin magpost kasi lately ng english kasi kakahiya sa mga magagaling sa English.

Anyhow ang namiss ko ay ang gumawa ng kanta, kahit hindi naman ako ganun kagaling talaga, nagpapanggap lang na marunong.

Ayun hanggang dito na lang muna. Minsan ikwento ko siguro ang aking morning routine. hindi interesting pero medyo makabuluhan. lol

BTW may bubwit na patakbo takbo sa harap ko. haha. kakatuwa. bilhan ko sya ng rat trap maya. lagot sya.