Tuesday, May 31, 2011

Dear Puma Shoes,

Dear Puma Shoes,

Like na like kita dati nung nakadisplay ka sa SM. Ok ilang buwan kitang pinagmasdan at hinangaan. Bago ako nagsimulang magwork binili kita, kasi hiningi ni Kuya ko yung pinakamamahal kong black and red Adidas. Alam mo kasi yung Adidas na yun ay binili ko kasama si Agripina so may memorable moment na naka attach yun sa akin. Tanda ko pa na naka balat na sapatos ako nun, at buong araw na akong naglalakad sa kalakhang Makati. So nung nagkita kami ni Agripina sa Makati, sinabihan ko siya na kailangan kong bumili ng rubber shoes kasi sakit na ng paa ko, tapos ikot kami sa Landmark at ayun, andun si Adidas at nakadisplay. eh bakit ko siya ibinigay, mabait ako. haha. Anyway, may itatanong lang sana ako sa iyo Puma. Napakaimportante nitong tanong na ito. Eto na.

“Ilang beses ba kita dapat isintas? Ha? Ha? Ha?”

Nakakainis kasi laki ng tyan ko nahihirapan akong yumuko at isintas ka ng hindi lang isa kundi maraming beses sa isang araw. Mahigpit naman lagi ang pagkakabuhol ko. Hindi kita maintindihan talaga. Ayun lang, baka palitan na lang kita pag nakaipon ako ng pera.
Sabi nga ng isa kong kaibigan. “Sensya na tsong, pero tangina…”. Bakit pag siya ang nagsasabi ng mura cute. Lol

Hehe. Behave ka na please.
Nagmamahal,
Ulap

No comments:

Post a Comment