Wednesday, February 16, 2011

Apoy Yan.


Apoy, originally uploaded by Cloud_AirHeart.

Girl loves Boy.
Boy loves Girl too but ignores her.
Girl felt sad and lonely, enrolls to gym and met Hunk.
Hunk makes girl smile.
Girl likes hunk. Hunk likes Girl.
Hunk has two girls waiting at home.
Girl sleeps on the sofa as Boy dozes on the comforts of their bed.

---

Ganyan kakumplikado ang situation ni Insan. On the rocks na ang relationship niya with her boyfriend but still shes still holding on kasi mahal niya ang tao. Mahal niya. Pero sabi ko naman sa kanya yang pagmamahal na yan is not enough to make you stay sa isang relationship na pasira na at may lamat na. So ang ginawa she tried her best na makahanap ng iba pang rason to keep holding on despite sa araw araw na reklamo na naririnig ko sa mga pinag aawayan nila lately: ang pinakagrabe na siguro ay yung pag ignore ng lalaki to celebrate valentines together with her. Hindi ko naman masabi na pathetic excuse na magtampo si pinsan na hindi siya pinagbigyan ng panahon sa valentines pero sa obvious reasons na sa lahat na lang ng pagkakataon ganun na yata ang ginawa ng Boy.

Kaya sigro hindi ko masisi-sisi si Insan na maging kabit ni Gwapitong Gym Instructor. By fate si Gwaping ang naging Instructor niya sa Popular na Gym. Pinakilala niya itong si Gwapito weeks ago sa akin at ang tanging masasabi ko lang "Para akong nananaginip pag kaharap siya". Oha pag hindi pa naman to the highest heaven ang description na yan ewan ko na. Anyhow, napapasaya niya itong si Insan to the extent na nawawala ang mga worries at problema ni Insan. Kaso may ka live in na itong si Gwaping at may anak na babae. "Apoy yan" ang aking turan sa aking pinsan.

As much as possible im trying to talk sense to her. Ibig kong sabihin nagiging OK na siya sa fact na OK lang na maging kabit siya ni Gwapito at long last na masaya siya, which i think is so wrong. Ang lagi kong sinasabi sa kanya na "OK lang na maging masaya tayo pero not to the extent na may masasaktan tayo." Pero sino ba naman ako para i hinder ang kaligayahan ni Insan. One of these days isusuko na niya ang Bataan sa Gwapito. Sa palagay naman niya daw ay sincere ang lalaki and the sorts. Tinatry ko to fish out information sa sincerity ng lalaki, mukha namang OK. kaso naaawa ako sa asawa at anak ni Pogiboy. Kahapon nga ang tagal ng usapan namin ni Insan tungkol dito kasi tinawagan siya ni Misis kasi nakakatunog na sa kanilang affair. Suskopo eh ilang linggo palang may alam na kagad ang misis. Oh My.

Naguguluhan din ako. Kasi sino ba naman ako na pigilan si Insan at ang Gwaping na maging masaya sa piling ng isat isa. Malamang ang Poging lalaki ay hindi na din masaya sa partner niya. Pero naman kung magpapatali ka tiyakin na siya na talaga. Kaya takot din ako para kay insan kasi nga baka one of these days pag ok na sila ulet ng partner niya eh ibasura na si Insan.

One thing na lagi kong sambit kay insan na. siguraduhin nyang wag syang iiyak dyan dahil alam niya ang ending simula pa lamang. Pero in case umiyak siya andito lang ako. Kasi love ko siya, hindi ko siya iiwan. Pero alam niya na mali, tinatry kong maintindihan. Nakikinig at makikinig ako sa kanyang mga Hinaing sa boyfriend niya at sa tawa saya at uncertainty sa gym instructor niya.

Ewan ko ba basta ang complicated. OK lang maging masaya basta walang masasaktan, sinasaktan o nasasaktang iba. Yun. doon dapat tayo.

Sabi nga sa pelikulang Miss You Like Crazy:

"(Iho) Isa lang ang puso mo. Dapat isa lang ang laman niyan. Kailangang mamili ka, pero pag namili ka, tiyak may masasaktan. Pero hanggang hindi ka namimili pareho mo silang sinasaktan..." - Tatay Temi

-Doctor Love (ayon sa aking bunsong kapatid)

No comments:

Post a Comment