Tuesday, August 31, 2010

The Promise (Serah's Theme)



Make my wish come true
Let darkness fade to light
Show me there's still hope,
Show me it's not over
Battles we can win,
Our struggle lies within
Will we live to greet the dawn
Love will not leave you
Hate will not heal you
Promise me one day that peace shall reign

Thursday, August 19, 2010

Paradusdos


Paradusdos, originally uploaded by Cloud_AirHeart.

Isa sa pinagkakaabalahan ko tuwing weekends o day off ay ang magluto. Hindi naman ako kagalingang magluto, pero marunong din naman kahit papaano. Simulat sapul kasi mula nung college pa, dahil sa sobrang hectic ng pag-aaral o sa trabaho, umaasa na lang ako sa de-lata o pancit canton o yung mga madaling lutin gaya ng paprito prito ng mga isda o itlog o hotdog. Nung una kong trabaho sa Antipolo doon talaga ako natuto na magluto talaga. pero simple lang naman ang niluluto ko dati. natutunan ko sa kapatid kong si Piolo na kasama ko sa partment sa Antipolo ang mag gisa, magpakbet. Bonus nga lang yung inuuwian niya ako ng Chow king meal (kasi sa Chowking sya nagwowork). Dahil likas naman talaga ang katamaran ko sa kusina at minsan sa paglilinis, umaasa na lang ako sa kanya lagi kung ano ang kakainin namin, hehe.

Tapos napalipat nga ako dito sa Saudi. ganun pa din sa unang 2 taon ko, umaasa lang naman din ako kay Pareng Totoy Bibo. Nagbibigay lang ako ng budget weekly tapos sya na ang bahala sa aking pang araw araw na pagkain. Tinutulungan ko naman siya magluto, sa kanya ako halos natuto ng mga matitinding ulam. Pininyahang manok, kaldereta, spaghetti, kare-kare atbp. Sus, anlaki ng utang na loob ko sa kanya. Makalipas ang ilan pang taon at nag sarili na rin ako, at doon nga nagpatuloy ang pakikipag kaibigan ko sa mga fast foods at mga pagkaing matataas ang MSG at preservatives. Susme naman, antindi naman kasi ng trabaho ko dati 7am to 7pm na from staurday to friday. kung mag pahinga man isa hanggang 2 beses lang sa isang buwan, so no choice talaga na umaasa ako sa mga de-lata at paprito prito galore.

Dahil na rin sa request ko na ibahin ang schedule ko, ayun nagkaroon ako ng libreng oras at one day rest day. Ayun ginugugol ko ang libreng oras sa paghihilata, paglalaro ng PS3 at pag weekend nagluluto ako ng isang putahe na, ipapakain at ipapataste test ko sa mga magagaling magluto. hehe. Maituturing ko specialty ko yung pininyahang manok kasi iyon ang malimit kong lutin na dati pa. lately nasarapan sila sa Sinigang na bangus, Kalderetang baka, Adobong manok. Yung Spaghetti hindi ko pa perpek eh. hehe.

Anyhow sunod kong titirahin ang Kare-kare, Sopas, Beefsteak at kung ano pang maisuggest nila Pareng Ram at ni Pareng Bhong. Ayun nga lang ambilis ko makalimot sa mga ingredients, ahahaha. Pero nag ienjoy ako magluto lalo na pag nagugustuhan nila luto ko.

Yun nga palang picture sa taas ay ang niluluto ng inay ko na Paradusdos nung una kong vacation. miss ko na ang mga Inay sobra.

=)

Monday, August 16, 2010

Payong

Transparent umbrella, originally uploaded by HELLER_Photography.

Mataas ang sikat ng araw, ngunit ang init na dulot nitoy nakakapagpalubag loob sa aking pusong nanlalamig. Sa panahon ng tag-araw dumating ka sa aking buhay, una pa lamang kitang nakita kakaibang init na kagad ang naramdaman ko, mas matindi pa ang dulot nito kaysa sa ligayang dulot ng haring araw, mas maningning pa ang kinang ng iyong presensya kaysa sa pilak sa gitna ng arawan. Saya ang dulot ng tag-araw, hindi kinakailangang magbilad sa sikat ng araw, maraming puno ang magkakanlong sa atin, habang ngiti at tawa mo ang aking laging pinagmamasdan. Sa tag-araw natin nakita ang ligaya ng buhay, at noon ko napagtanto na ikaw na nga ang nais kong kasukob sa papalapit na unos.

Dumating ang tag ulan, magkasama pa rin tayo. Pilit ko mang iwaksi ang damdamin ko sa iyo, mukhang tuluyan na akong nahulog sa iyo, hindi ito mapipigilan tulad ng ulan sa kanyang pagpatak sa uhaw na lupa. Pilit ko mang pigilin ito, ngunit ang tangi ko lang magagawa ay pagmasdan ang mala-likidong diamante na pumapatak… isa, dalawa, hanggang laksa laksang tumulo, para bang lumuluha ang langit. Lumalakas ang buhos ng ulan, nakatago na rin ang haring araw. Pinangako ko sa iyo na palagi kitang dadamayan sa lahat, iyon ang pangakong aking tutuparin. Nababasa ka na ng ulan. Nilapitan kita at pinasukob sa aking payong, ngumiti ka…

"Tuwing umuulan ay naalala tayong dalawa
Kay sarap isipin na may kasama sa buhay
Kapag bumaha...
Sukob na, halika ka na
sabay tayo sa payong ko
Hawak ka, kapit pa
Sa payong ko, magkasama tayo"


Kasukob kita sa aking payong, nililingon kita sa bawat saglit upang matiyak na hindi ka nababasa ng ulan. Sa liit ng payong ko, natutuwa ako at nagpupumilit tayong manatiling tuyo sa gitna ng bugso ng panahon… Ngunit mukhang lumalakas ang hangin pinilit kong igawi sa iyong bahagi ang kabuuan ng payong, di baleng nababasa ako ng ulan bastat nakikita kitang tuyo at ligtas, maligaya at umiibig. malamig na pakiramdam ang dulot ng malungkot na ulan... Tila may hinahanap ka sa malayong dako, hindi mo nakikitang nababasa na ako, pero wala yun sa akin, hindi mo man ako nililingon, masaya ako at kahit ilang saglit ay nakasama kita. Sa anino ng iyong mga mata, napagtanto kong siya pa rin pala talaga ang mahal mo.

Dumating na ang hinihintay mo, at nasa kabilang kalye sya, hinihintay ka… Sinabi ko sa iyong OK lang… Tinawid mo ang kalsada at dala dala ang payong ko, sa iyo naman talaga yan eh, simula pa lang, sa iyo ko na inialay ang napakahalagang bagay na iyan. Basa na ako sa ulan, nilingon mo ako at nakitang nakatingala, nginitian kita at sinabing “mag-ingat kayong dalawa, huwag kang mag-alala sa akin”, kasunod ang isang ngiti… Nakita mo kaya na sa kabila ng ngiting iyon, tumutulo ang luha ko sa gitna ng ulang pumapatak sa aking mukha?

Monday, August 9, 2010

PREFIX


Burned Forever, originally uploaded by Cloud_AirHeart.

By Cloud Air Heart
09.08.10


Burned forever
The cold strings of laughter
Let the fresh teardrops
Rot on the ground.
Your lies’ survival
Led to a heartbeat’s death
What the fuck is friendship
If were mutilated.

Used my life
They’re yours somehow
The way you own the clouds
Dried that bloody round

Forever was the word
That was lost in the dark
The ending was written
Before these lines arrived
And I was the man
That’s worth leaving behind
Not wanting this waiting shed
To be your resting ground

A mangled spirit
In search for pleasure
A predator on his knees
Enamored prey awaits his demise
A helpless angel
On a lonely plight
But beneath his halo
Lies a wicked heart.

Ill drift away
Exhale me now
Fly my heart up in the air
On his way to the clouds

Salvage the memories
Of the lonely teardrop?
To moisten the wound
Or to bring us our doom?
Save the laughter
From burning forever?
To bring back the frozen emotion
Or to burn us till our expiration?

Forever was just a stupid word
Its just me and the ghost of your lies
The way you died without goodbye
The way I bled the pain inside
While your name spells my sadness
Mine explains the reason why
And His is the only prefix from heaven
That changes the meaning of my life

His is the letters from up high
That makes this waiting worthwhile.

Saturday, August 7, 2010

LIHAM NG PAG-IBIG

Una pa lamang kitang nakita, nabighani na ako sa iyong kakisigan. MAHAL na kita sa una nating pagkikita. Kahit na may kaitiman ka, napakaganda pa ring pagmasdan ang balat mong napakakinis. Napakaganda ng iyong mukha. Akala ko pa nga ay napakahirap mong abutin, pero sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lamang. Ginugol ko ang aking mga oras sa kakaisip ng mga paraan na maglalapit sa ating dalawa. Minsan ginagawa kong araw ang gabi upang mapatunayan sa iyo ang aking pagmamahal, nagtrabaho akong mabuti upang makaipon, para rin sa iyo. At nuon ngang ika-4 ng Agosto 2010, ipinaubaya mo ang iyong sarili sa akin.

Minahal kita ng lubusan. Lagi kitang pinakikinggan. Hindi tayo mapaghiwalay. Kahit sa pagtulog lagi tayong magkatabi at magkaulayaw, pasensya na kung minsan ikaw ay aking natutulugan. Ang mga barkada ko nga ay naiinis na sa akin dahil ikaw lang daw ang aking pinakikinggan. Ikaw ang laging kasama mula bukangliwayway hanggang takipsilim.

Dahil sa aking pagmamahal sa iyo, ako ang nagaaruga sa iyo na iyo namang ikinatutuwa. At ikaw naman, laging dala dala ang ating mga larawan upang ipaalala ang ating pinagsamahan. Kung nababagot naman ako ay nagyayaya kang manood ng sine. Higit sa lahat minahal kita, kahit na minsan ay pinaglalaruan kita, naiintindihan mo naman ang dahilan kung bakit ganun ako sa iyo. Alam ko minsan nasasaktan ka na sa mga papindot pindot ko sa iyo, pagkurot kurot ko sa iyo. Dahil dooy hindi mo maiwasang maubusan ng lakas na animoy tuluyan mo na akong iiwan. Ngunit matapos ang ilang oras ay bumabalik ka rin kagad sa aking mga PALAD.

Ang mga musikang hatid mo ang siyang nagpapawi ng aking lumbay at lungkot kaya naman tatagal ang ating pagsasama. Alam kong marami pa tayong pagdadaanan, lalo pa’t nalalapit na ang ating pag-uwi sa Pilipinas. Baka pagnakita ka ng aking mga kapatid ay hingin ka sa akin. Hindi ka naman siguro magagalit kung ipapahiram kita diba? Sasabihan ko naman sa kanila na ingatan ka dahil NAPAKAMAHAL mo. Basta ipinapangako kong hindi ka masisira dahil malaking kawalan ka sa akin. Kahit medyo marami ka nang gasgas the best ka parin para sa akin. Nandito lagi ako para sa iyo aking PSP (PLAYSTATION PORTABLE).


Nagmamahal,

ULAP


PS. Ireregalo nga pala kita sa aking inaanak

Wednesday, August 4, 2010

Your Smile, My Hello


Your Smile, My Hello, originally uploaded by Cloud_AirHeart.

By Cloud AH 04.08.10

It looks like its gonna rain today
and my hair is so full of that gel
Id like for him to see that im trying
to be as cool as he was yesterday and today
That depends if hed look at my way,
or stop just to give that smile away
Yeah i look like a plant, that doesnt have a plan
and im stuck in this elevator with my heart on hand
Im scared as always.

Then you would ask me
"Hello Miggy, hows your day?"
Then that strange feeling, so overwhelming
and oh, its seems like forever, like a movie's slow mo
The fortress crumbled,
your smile, i said Hello

And yeah the reason why i wrote this
Is for him to know what i feel
For him to feel what he cant see
For him to see whats inside of me

I think a song is a good way to show things
Coz He dont know how i feel when he say "Hello"
He cant see hes so great on how he makes my face glow
Makes me always wear the smile, to make me worthy enough
But im ever the shy guy

Then you would ask me
"Hello Miggy, hows your day?"
Then that strange feeling, so overwhelming
and oh, its seems like forever, like a movie's slow mo
The fortress crumbled,
your smile, i said Hello

I guess i shouldnt be in a hurry
its not a race, the road to the heart

anyway, but i cant seem to wait,
for ive waited long enough, but
Im looking forward on the day
The day we learn to find each other
and not to just wait and then we can start
to love and live again,
To have your smile with my every hello
To say that hello with love in our hearts

And then soon youd ask me
"Hello Miggy, hows your day?"
Then that strange feeling, so overwhelming
When we embrace and kiss each other
Who knows "US" might really happen
From then on our love story will start
and we would never put an end.

Monday, August 2, 2010

How To Make Someone Stay


Black Morning's Only Hope, originally uploaded by Cloud_AirHeart.

How To Make Someone Stay (Previously known as Ella)

18.09.07

It starts when you’re inspired
Either filled with sorrow, the pain of life
The joyous chorus, friends can vibe
Your hand then reaches for the pen to write

Like a roller coaster ride
Too much ups with constant lies
Too much downs you cannot hide
Round the heart, cracks will unite

*I can reach your hands
Even though your lands away
The way you make it everyday
And how the songs make me stay
I’m listening, do not stop now
And we will keep our vows.

The rising sun gives hope
For the dying rhythm of the song to cope
Bind the words unite with rope
To seal our youth, though we will grow old

As the refrain comes to end
Will the joyous souls begin to die?
The promise forever etched in vain
If the brightly sun fails to give his light

*I can reach your hands
Even though your lands away
The way you make it everyday
And how the songs make me stay
I’m listening, do not stop now
And we will keep our vows.

**Every word touched me
And still the mystery is here
But when fate and love collide
On that masterpiece youll write
Another smile took your voice away
Oh my sweet Shade, im lonely
Your songs will be played
Forever in my heart

As the twilight comes
Our parting songs will give us strength
The bravery required for the coming pain
The warmth when cold starts its reign

*I can see your face
Even though your lands away
Teach me the way you make it everyday
And how the songs make me stay
I’m listening, ill listen forever
I know ill always will