Thursday, November 25, 2010

Kahon

More than a month ago nagpadala ako ng balikbayan box sa pamilya ko sa probinsya and two days ago dumating na yung boxes. Very happy ang buong pamilya especially me. Ive always wanted the best for them kasi.

Indeed, inay and tatay raised good sons. At kung anuman yung mga narating ko ngayon; kung anong klase ng Tao ako ngayon ay mostly dahil sa kanila... I really thank God for giving me Inay and Tatay. if ever magkaanak din ako, mamahalin ko din siya katulad ng pagmamahal ng magulang ko sakin

Naalala ko tuloy nung unang bakasyon ko sa pinas way back 2007, my inay and i did shopping together, more like mall hopping. We watched One more chance sa sinehan and ive learned its been 20 years daw yung last nood nya sa sinehan. We watched Aiai's concert din sa araneta. Pero she liked the best yung stop over nmin sa Pink Sisters sa tagaytay. Kulang pa yun sa lhat ng naiambag nya sakin.
Tapos nung nkauwi na kami sa probinsya, yung hipag ni inay talked to me nung binigay ko pasalubong from manila. Naiinggit daw sya sa inay ko kasi dahil sa aming magkkapatid. She said na yung mga anak nya never gave her any gift o hindi man lang sya maipsyal sa syudad katulad ng ginagawa ko sa inay. I felt sad for her. Sinabi ko yun sa inay and tatay and theyve told me her sons grew up that way kasi puro sigawan at murahan araw araw sa kanila in opposition sa paraan kung paano kami lumaki. Yung pamilya nmn namin ay hindi perpekto, ilang beses nga kmi napalo ng tatay namin nung bata kami pero never kami minura, ininsulto, o pinagsisigawan nila. At never nila kami fi-norce na gawin ang mga bagay na ayaw namin, siguro yun lng ang shortcoming nila, too much lenient sila. Pero oks din yun, binigyan nila kami ng choice pumili ng landas namin na tatahakin, advice lang yung maibigay nila kami ang tatapak sa hagdanan ng buhay, sila asa likod lang lagi to support

Anyhow im just so happy kc sobrang happy nila. Whatever man mangyari sakin after ng stint ko dito abroad at least nakaranas sila ng konting kaginhawaan sa buhay. And kung suswertehin at pahihintulutan ni Lord ill continue to make them happy hanggang sa huling hininga ko.
Published with Blogger-droid v1.6.5

2 comments:

  1. hanga ako sa mga tao sa family-centric!

    ReplyDelete
  2. this is really nice...you'll be more successful in life dahil di mo nakakalimutan ang mga magulang mo!

    ReplyDelete