Monday, November 22, 2010

Hero

Pinapanood ko ang Heroes Season 3 marathon, thus napuyat ako kagabi. At pagnapupuyat ako ibig sabihin nag eenjoy ako sa ginagawa ko. Anyhow Yung Season three ng heroes ay tungkol sa Villains at kasama sa story arc nito ay yung formula na pag inenject sa normal na taong walang special ability ay magkakaability na sya. Katulad rin ng tema sa twilight series na pag naconvert ang isang tao na maging bampira yung pinakamalakas nyang personality o yung subconsious na power ay magmamanifest.

Weh bakit ko ba pinag aaksayahang isulat ito? Kasi napaisip lang ako what if inject-an ako sa Heroes o kaya maging bampira sa Twilight ano kayang speacial abilities meron ako?

hanggang kanina isip ako kung ano.

Nung bata pa ako like ko na si Storm talaga sa Xmen kaso i doubt na maging ganun powers ko. so hindi yun, though mabilis magpaiba iba ang mood ko parang panahon.

Nung binata ako like ko maging invisible para makapanilip ako, wahaha. pero i doubt. nakamove on na ako sa phase na iyon.

Hindi ko like magka super strength kasi ayaw ko makipagaway.

makalipad? Nope. nakikita ko lagi ang sarili ko falling na walang sumasalo, thus hindi ko like lumipad kasi the higher ng paglipad the louder the noise pag bagsak.

Cellular regeneration? nope i dont wanna live forever tapos makikita mo lahat ng mahal mo sa buhay are dying at ikaw maiiwan. naalala ko tuloy si Io sa pelikulang Clash of the Titans

Precognition? napakascary at in turn napakapowerful ng power na ito... to see what lies ahead is a great burden.

hmmm so ano nga bang power ko pag nagkataon? funny. nung tinatype ko ang post na ito it dawned to me kung ano ba pwedeng maging powers ko.

eto:

pag umiiyak ako, nagiging dyamante and luha ko. oha. bongga. theres a deeper explanation kung bakit ito magiging powers ko. and only few people know and understand why.

=)

No comments:

Post a Comment