Wednesday, June 16, 2010

Theme Song ng Buhay Nilang Mag-asawa

Circa June 2008

Si Joey, makulitensis syang kasama. Kaya naman pagkami ang magkashift sa trabaho puro kulitan lang ang nangyayari sa amin, at syempre, eto ang mga kakapiranggot na pagkakataon na ako ay tumatawa at napapangiti, kasi kahit gaano kalakas ang pang aalaska ko sa kanya at kahit na nakakaburyong na ang aking mga banat sa kanyang jokes ay hindi siya mapipikon, kung mapikon man sya, i ka cut salary ko sya. haha, joke.

Anyhow, kalabaw naming si Bangaw, bukod sa masarap kasama itong si Joey, nahihingan ko rin sya ng payo tungkol kay TOOOOOOOT, at sa sakit na nararamdaman ko tungkol sa TOOOOOOOT at ang mga takot ko sa pag uwi pabakasyon, kung makita ko si TOOOOOOT ano ang gagawin ko. Pero hindi nya ako masabihan ng TANGA KA kasi nga, kahit naman ganun daw ako, eh respetable naman ang aking stature, hehe. Pero alam mo aking blog, sa pagsasabi ko ng mga problema ko sa puso kay Joey, naiiyak sya at nafifeel nya ang nafifeel ko, mga linyang:

"may ganun pala..."
"mahirap hawakan ang isang bagay kung hindi naman para sa iyo talaga... sa huli bibitawan mo din kung kukunin na ng tunay na may-ari."
"dalawang bagay lang yan eh, mahal mo at mahal na mahal mo..."
"mali yun eh, dapat ang mga pangungusap magsisimula sa Ikaw at hindi Siya"

Eh minsan tinatanong ko rin ang lovelife nya. Kaklase ko kasi si Joey nung College sa ilang subject, ikinasal na ang mokong at may isang anak na sila na kakapanganak lang ng misis nya last august.... eh kaya kanina lang nag eeskobahan kaming dalawa at may naitanong ako sa kanya na isang napakainteresanteng malaman sa isang magkarelasyon:

Cloud: Uy Joey ano ang theme song nyong mag - asawa?

Joey: Wala eh, hindi naman uso sa amin yun...

Cloud: ano ka ba naman, walang ka thrill thrill ang buhay nyo kung walang something to look forward to tulad ng kanta na isang VISION sa isang relationship... gusto mo mag suggest ako....

Joey: sige ano ba ang maganda?

(eh di nag enumerate ang lola nyo ng mga magagndang theme songs...)

Cloud: Yung kanta ni Sharon Cuneta, patok yun dati ah...

"BALUTIN MO AKO NG HIWAGA NG IYONG PAGMAMAHAL, LIMUTIN ANG MAPAGLARONG KINANG NG TAGUMPAY"

Joey: Pwede, pero bakit naman si Sharon? Pili ka pa iba...

Cloud: Yung kay George Canseco, classic yun...

"ANG PAG-IBIG AY SADYANG GANYAN, TIWALA SA ISAT ISAY KAILANGAN..."

Joey: Masyado namang Luma yan parekoy.

Cloud: Hmmm eh yung kay Kuh Ledesma, yung pinakasikat nyang kanta?

"DITO BA? DITO BA? DITO BA? DITO BA, ha ha ha? Oh DITO BA..."

Joey: Bakit puro Dito Ba?

Cloud: yung kay Jessa Zaragoza na lang

"IKAKASAL KA NA... IIWAN NA AKONG NAG-iisa, sana pag-ibig sa akin lamang"

Cloud: Ahhh alam ko na, diba peyborit ng asawa mo si regine? ano nga ulet yung pinasikat nyang kanta....

Joey: SIge Fire!

Cloud: "URONG SULONG KA BAKIT BA GANYAN, URONG SULONG KA..."

o kaya yung kay ARA MINA

"AY AY AY PAG-IBIG, NAKAKAKILIG PARANG SINE, BAWAT EKSENA AY IYONG AABANGAN..."

Cloud: hmmm alam ko na alam mo yung kanta ni Gary V. SIkat na sikat yun... Kanta niya ito pagbalik mo sa Pinas...

"KAY TAGAL MO NANG NAWALA, BUMALIK KA PA, UMALIS... UMALIS KA NA"

Cloud: Oh kaya yung pinakasikat na kanta ni Sheryn Regis:

"LIPAD, ANGAT, PANALO KA, ANG GALING GALING MO, BILIB AKO SA IYO, KRYSTALA"

Cloud: Oh kaya yung Kantang hit na hit dati ni Martin Nievera:

"IKAW ANG ANG AKING PANGARAP, IKAW ANG SAGOT SA AKING DASAL... AWOOOOOOOOOOOO"

Joey: Ahhhh LOBO Yan. lols

Cloud: Ah sige seryoso na, yung kanta na lang ng Aegis, yung belted nila.

Joey: ano yun, Luha o Halik.

Cloud: Hindi yung pinakasikat nila:

"KAYAT IBIGAY NYO NA ANG AMING CHRISTMAS BONUS, PATI ANG 13th MONTH PAY, Para OK na OK..."

Joey: Niloloko mo na ako... hahaha


---


really, times like this are rare. Smiling has been scarce now adays. ewan ko ba.

---

Sa tinagal tagal ng aming paghahanap ng Theme song nilang mag-asawa ang sinaggest ko na lang kasi pihikan talaga siya ay yung patok na patok noon:

"Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy. Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy,"

Pero ayaw pa rin ng loko loko. kaya and ending nalang tutal pasko naman na...

"Kumukutikutitap, bumubusibusilak, ganyan ang indak ng mga bumbilya, kikindat kindat ang mga kirat, pinaglalaruan ang ating mga mata."

;)
---
Eh paano naman Theme Song Ko?
Sorry wala akong themeseong, wahaha.

Ikaw ano ang theme song nyo ng asawa/partner mo o kung balak mong magkaroon ng asawa/partner ano masasuggest mo?

3 comments:

  1. hahahaha! natawa ko sa lahat ng kantang sinuggest mo. :) parang may impluwensiya ng rugby. hahaha! :))

    ReplyDelete
  2. hehehe... sarap ng kulitan nio ah!
    sakin siguro kahit anung kanta basta pareho kaming nagkaintindihan na bagay ung kanta para samin,, patok na yon! :)

    ReplyDelete
  3. @Caloy, wahahaha rugby boy

    @Gesmunds
    korek dapat me connect sa inyong dalawa yung song!

    ReplyDelete