Tuesday, June 29, 2010

Paper Weight


Paper Weight, originally uploaded by Cloud_AirHeart.

Ambigat bigat minsan ng mga pasanin dito sa mundo. Totoo, nakakapagod nang mabuhay na mabigat ang nararamdaman. Pero naisip ko minsan, siguro kaya dumating ang mabibigat na pagsubok upang pigilan tayong iangat nang ating mga pansariling adhikain, kumbaga sa pamamagitan ng mga pabigat na ito matutunan natin ang maging mapagbigay, mapagmahal, mapagkumbaba; malalaman natin na tao din pala tayo na nasasaktan; at tayoy nilalang para ang mga paa ay tumapak sa lupa at lumakad. Pag natutunan na natin ang mga iyon, maaalaman na rin natin kung paano iangat ang mga nagpapahirap sa atin sa Maykapal. Sa panahong iyon, ililipad na tayo ng hangin sa kalawakan, lalaya tayo sa mga nagpapahirap sa atin at matutunan naman natin kung paano ibuka ang ating mga pakpak at lumipad, sa lugar kung saan natin matatagpuan ang tunay na kaligayahan… Ngunit titigil ang hangin sa pag ihip, tayoy ibaba muli sa lupa, hindi upang mamighati at mahirapan muli, kasi alam na natin kung paano hawakan ang mga ganoong sitwasyon. Ibababa tayo ng ating sariling tadhana upang tayo’y pulutin ng isang nilalang din na magtuturo naman sa atin kung paano lumipad na walang hanging nagtutulak, walang pakpak na pumapagaspas. Paglipad na hindi kailangang umaangat ang mga paa sa lupa. Paglipad na kung tawagin ay Pag-ibig.



---


Highway run
Into the midnight sun...
Im forever yours...

-Faithfuly, Journey


---


Posted also here:
www.talaarawayyewan.blogspot.com

2 comments:

  1. kailangan din natin ang paper weight para hindi liparin ang ating mga pangarap at adhikain.

    pero bakit si angel locsin ang ginawa mong weight? hahaha.

    cheers.

    ReplyDelete
  2. @Pilyo Hindi ko siya Paper Weight kundi sa isa kong kasamahan dito. tutal In na In naman si Angel Locsin kasi siya ang Sexiest sa FHM 2010.

    kiver na lang ako, haha

    ReplyDelete