Monday, January 4, 2010

With Matching Kissing-Kissing

Still I believe
Im missing something real
I need someone who really sees me
Don’t wanna Wake up alone anymore

---

Minsan may naitanong ako sa isa sa malalapit na kaibigan ko na may jowa, na ilarawan sa akin ano ang tipikal na umaga sa kanilang magpartner. Kaya inilarawan nya ang tipikal na umaga sa akin:

Gigising sila na magkayakap sa umaga.
Hahalikan sa labi ang asawa, sabay sabi ng good morning baby.
Babangon na siya at hahayaan muna ang minamahal sa kama.
Sisimulan nila ang umaga sa katahimikan at minsan din naman nag-aaway sila.
Sabay sila kakain, though hindi sila sabay maligo.

Diba napaka ideal? Pero ang isa sa na touch at na move ako ay yung unang linya:

Gigising sila na magkayakap sa umaga.

Kahit may pinag-awayan o may tampuhan nung nagdaang gabi, ewan daw niya lagi silang nagigising na magkayakap sa umaga... Nasabi ko tuloy sa kanya, “sana ganyan din ako balang araw”

Ewan ko mailap yata sa akin ang Pag-ibig, yung mga nagugustuhan ko me mga may sabit o yung hindi ako gusto, gusto ko pinipilit ko ang taong magustuhan ako. Natatawa nga ako sa sarili ko, kasi naman sa ibang bansa IISA ang unan ko. Sa loob ng dalawang taon yun ha. Sya lang lagi ang kaabay ko sa pagtulog, dahil sanay naman ako mag-isa. Yung nag-iisang unan na yun ay hindi ko ginagamit na unan sa ulo ko, sa halip niyayakap ko yun ng mahigpit bago ako matulog at makakatulugan ko na syang yakap yakap. Paggising sa umaga, hindi ko na sya yakap, nasa paanan ko na siya, hehehe. Malikot kasi ako matulog

Minsan nakakasawa na ring gumising na mag-isa sa umaga. Wala na bang bago sa buhay ko, kasi nagiging stagnant nako at malapit na ang saturation point, pero dahil malaki ang faith ko, tsaka me gift of patience yata ako, alam ko magtatagpo din ang aming landas at darating ang araw na gigising ako ng kayakap sya. May nagsabi, hindi daw hinahanap, kusang dumadating. may nagsabi naman na baka andyan na sa tabi tabi malayo lang ang tingin ko, or masyado akong choosy. kung alam lang niya antagal ko na siyang hinahanap, hinihintay at pinapangarap.

---

Which reminds me of someone na nakatabi kong matulog twice. Teka teka teka mali, Ill repeat my sentence.

Which reminds me of someone na nakatabi ko sa kama at hindi ako nakatulog, twice. Kasi niyakap ko sya magdamag with matching kissing-kissing. Ganun ako Ka-sweet. hehe
---

Still believing you’ll walk through my door
All I need is to know its for sure
Then Ill give all the love in the world
-The corrs

10 comments:

  1. Hmpf ka!!! *memories rushing in* haha. Joke lang...
    I thought cheesy ka, hindi sweet.

    ReplyDelete
  2. @XALL anong memories yan ha! share share share, hehe. i think both, cheesy sweet. hehe

    ReplyDelete
  3. @Eternal Wanderer

    lika akap kita mahigpit...

    weeeeeeee

    ReplyDelete
  4. ay cheesy nga. nagtakip ako ng mata habang binasa ko ang last paragraph. hahaha

    ReplyDelete
  5. mushy/cheesy pero sweet... cuddling sarap nun bago and after matulog while kinikiskis ang ilong mo sa ilong ng partner mo hehehe... F*S* i miss that

    ReplyDelete
  6. dinaga ang computer ko. shet! hahaha

    ReplyDelete
  7. yaan mo, di ka nag-iisa. balang-araw di na unan yang yayakapin mo.

    =)

    ReplyDelete
  8. ay bakit may daga dito hahahaha

    hindi mailap sa yo ang pag-ibig.. wala ka lang sa sariling tahanan ng iyong puso

    ReplyDelete
  9. hangsweet naman, di talaga natulog para lang bantayan matulog, hehe.

    don't worry, naniniwala ako na may darating na pagibig sa matyagang taong naghihintay.

    pero dapat, galaw galaw din habang nagaantay. :)

    ReplyDelete