Monday, January 18, 2010

Maginaw

Matindi ang lamig
Nanunuot hindi lamang sa mga kalamnan
Pati na sa butot kaluluwa
Ng abang taong lumisan
Sa apoy ng pagnanasa
Na maisakatuparan, pangarap na bukas
Pangarap ng kaginhawaan
Na maiahon sa hukay
Kahit isang paa lamang.

Sa tindi ng lamig
Hubad pa rin kung suungin
Ang hapdi at sakit
Kahit araw, hindi maipinta
Ang naninikip na damdamin
Luha ang nagpapawi ng pagkahabag
Inilalabas ang kahinaan
Upang balatkayong ipaglaban
Kunwaring kaligayahan o
Kaya ay ang totoong pagnanasa
Sa kalamnang hindi maipinta

Ang kahapon na bantulot ng pag-asa
ang pag-asam na sa bukas
Pag-ibig pa rin ang resulta
Maninigas sa lamig
Sa karimlan at kahiwagaan
ng giyera sa disyerto
Inaakala niyang siya’y mananalo?
Kung bakit hindi dinala ang sandata at kalasag
Upang makaiwas sa sugat at habag
Na mapag-isa sa labang walang kasiguraduhan
Buhay at puso ang nakataya.

Ganun pa man sa bawat, pagkatisod
Babangon at babangon pa rin
Huhugasan ng luha mga natuyong sugat
Kahit unti unting iginugupo ng hapdi
Kahit hininga ay unti unting malagot
Sa tindi ng pangungula at panlalamig ng damdamin
Aalalahanin pa rin
Mga ngiting nagbibigay Init
Mga halik na naghihilom ng sugat
Mga yakap na kasing bisa ng kalasag
Mga kwentong magsisilbing sandata
At mga emosyong nagbabalik sa katinuan.

4 comments:

  1. hands down ako sa tula mong ito. nakaka-relate ako. :D ahee.

    ReplyDelete
  2. @Bunwich... andrama no? hehe. salamat.

    @Andrei... awww salamat po. =D

    ReplyDelete
  3. ang kelangan pag malamig, isang makapal na makapal na jacket ;P

    ReplyDelete