Friday, January 1, 2010

HORRORSCOPE

i found this in my old blog, natawa ako sa mga pinagsusulat ko. wahahaha. hope it brightens your day too. =P

---

Aries (March 21 - April 19)
May job interview na naman ang syota mo. Ilang beses na itong bigo. Para matanggap siya, ipahiram mo na kasi yung pustiso mo. Lucky color: kulay ng pustiso mo. Lucky number: bilang ng sira at kulang niyang ngipen.

Taurus (April 20 - May 20)
Huwag mag-alala kung magising ka sa dis-oras ng gabi. Natural lang yan. Bilog na kasi ang buwan, lalafang ka na namn ng sariwang dugo. Umiwas lang pumunta sa mga night club, maraming Pari dun. Lucky color: bloddy red, Lucky number: bilang ng mabibiktima mo.

Gemini (May 21 - June 20)
Malas ang araw mo ngayon, huwag ka munang pumasok sa trabaho. Mas malas ang araw mo bukas, dahil tanggal ka na sa trabaho, ilang araw ka na kasing absent. Lucky color: wala. Lucky number: wala nga, malas ka nga.

Cancer (June 21 - July 22)
Malalaman mo sa doctor mo na malaki ang tsansa mong mag kakanser sa mga pagkaing matataba at mataas sa kolesterol tulad ng itlog, mataas na kasi ang kolesterol lebel mo, kaya kailangan mong umiwas dito para maiwasan ang sakit. Ang lunas: lumakad ng pabukaka para iwas sa kolesterol. Lucky color: kulay ng pubic hair mo, Lucky number: bilang ng itlog mo… sa ref.

Leo (July 23 - August 22)
Magkakaroon ka ng animalistic appeal ngayong araw. Hari-harian ang drama mo.. Sa di inaasahan, makakagat mo ang syota mo habang ibi-BJ mo siya. Magsuot ng protective face mask para maiwasan ang black eye. Lucky color: brown lucky number: 1234567890, pumili ka na lang.

Virgo (August 23 - September 22)
Kailangan mong bumoto sa darating na halalan pagkat doon mo makikita ang iyong SOULMATE. Uupo siya sa silyang malapit sa iyo at sasabihing “Pakopya naman, fill in the blanks kasi, e mahina ako dito” Lucky color: Yellow Lucky number: Bilang ng dagdag bawas na mangyayari.

Libra (September 22 - October 22)
Ooh! Oh. Teka ahhhhhh!!!!!!!! Pasensya na dapat napa aga ang pag-hula ko sa iyo, pasensya na talaga… Lucky color: kulay ng kanal na pinaghulugan mo, Lucky number: 20 pasa sa buong katawan

Scorpio (October 23 - November 21)
Makakarating sa iyo ang isang good news at dalawang bad news. Ang good news: mananalo ka sa Lotto, ang mga bad news: nawawala ang ticket mo at lahat ng mga alahas mo at mga make-up mo ay tinangay na ng boyfriend mo, pati maid, as in, si Inday mo tinangay! Lucky color: kulay ng eye shadow mo ngayon. Lucky number: halaga ng nawala sa iyo.

Sagittarius (November 22 - December 21)
Aahasin ng bestfriend mo ang iyong pinakamamahal na boyfriend. Isa lang ang kailangan mong gawin, anakondahin mo ang 2 syota niya. Lucky color: kulay ng anaconda Lucky number: 88

Capricorn (December 22 - January 20)
Sa MRT ka sumakay ngayon sa halip na sa jeepney. Makikita mo dun ang dati mong crush na napaka gwapo. Tatabihan ka niya habang nakatalikod ka, hihimas himasin ang pwet mo…. Tapos me matigas na bagay na tutusok sa likuran mo, magiinit ka at titigas ang iyong katawan… bubulong siya gamit ang kanyang napakalamyos na tinig, “Tol, Holdap ito!” Mag jeepney ka nalang nga. Lucky color: pyusha, teka, green na nga lang hirap spelling eh. Lucky number: 5420 pesos, malandi ka kasi, naholdap tuloy.

Aquarius (January 21 - February 18)
Ngayon kayo magkikita ng ka eyeball mo, ang problema, hindi ka niya makikita dahil bulag sya. Wag na lang eyeball gamitin na term sexball na lang, tutal, gwapo siya, pwede na rin. Lucky color: pink polka-dots na me konting stripes at star sa gilid (yan ang brief na gamit nya). Lucky number: 69

Pisces (February 19 - March 20)
Kakausapin ka ng boss mo ngayon, lalapit sya sa iyo at sasabihing: “HOY MAGTRABAHO KA NA AT WAG KANG BLOG NA LANG NG BLOG! BWISIT!!! Lucky color: pale red (namula ka kasi) Lucky number: 10 (terminated ka na after 10 days)

7 comments:

  1. hehehe..ang malas ng prediction sa gemini

    ReplyDelete
  2. lalo naman sa aquarius. whaha!

    ReplyDelete
  3. pisces ako and ganyan nangyari sakin last year. not the terminated part of course.

    lolz

    ReplyDelete
  4. Madam Cloud!!! Ano po ang sinasabi ng mga bituin sa langit sa kapalaran ko? Magakaka-pamilya ba ko? Lols.

    ReplyDelete
  5. dabo, caloy, anteros, xtian.
    sumakto ba? wahaha

    Engel... awww hehehe

    @xallternative, magkakaboyfriend ka na daw this year. ahahaha. hopefully ang mahanap mo ay pangmatagalan na.

    ReplyDelete