Monday, January 11, 2010

Andoon Sa Tabi Niya

(a year old draft in my previous blog, i wonder why it wasnt published.)
Dear Shade,

Tumawag si Chill, ngayon ngayon lang, he wanted to come here sa kwarto... Hindi ko lang alam kung papupuntahin ko ba siya o hindi. Nagdahilan muna ako na maraming tao sa labas ng kwarto at magiging suspicious sila pagpumunta siya dito... pero sa totoo, wala naman talaga tao sa labas ng kwarto tanging si kapit-kwarto lang na si Kuya Randy. SIguro nasabi ko yun sa kanya dahil in some part of me ayaw ko nang pumunta siya sa kwarto o kaya ayaw ko lang at wala ako sa mood, tapos yung ibang part dahil binibigyan ko pa rin siya ng hope na paglisan ng mga tao, makakapunta pa rin siya. Pero alam mo habang kausap ko siya, hindi naman siya ang nasa isip ko, ibang tao, yung tunay kong mahal... corny pero ganun nga yata talaga.

Alam mo papalamig na dito, magwi-winter na kasi. Ayan tumatawag na naman si Chill, kunwari lumabas ako ng kwarto ha, para hindi ko sasagutin at mananatiling misscall lang siya ulet... Tumunog ulet si Celpown after two minutes, Si ANGAS naman, kapatid ni Chill. Naimbitahan kasi ako sa isang party ni ANGAS kasi nanganak ang Misis nya ng isang Baby Girl, naghehesitate ako pumunta kasi baka ako lang ang Pilipino doon, pero buti naman at kasama ko si Pareng Ram pagpunta sa restaurant...

---

Eto kababalik lang namin ni Pareng Ram galing sa restaurant, nakupo, bundat na naman ako sa dami ng pagkain, FARAM yung pinakain sa amin, CHICKEN BBQ sa pilipinas ang katapat na dish nun. As expected andun si Chill, gwapo pa rin as usual. Hinila ko ang paa habang kumakain siya, haha, biruan lang, ngumiti naman syempre.

Nakahiga na sana ako ngayon pero tumawag na naman (na hindi ko sinagot) Si Chill kaso, super late na. On Second thought baka magtampo, ayaw ko naman na ganun, so tinawagan ko na rin, nag ring ng mahaba ang telepono, hindi sumagot, so ok na, tulugan na, ilang gabi na rin kasi akong puyat eh, sa kakaisip ng mga bagay na maaring gawin sa bakasyon, kasama na ang pagsusuma total ng mga takot at tuwa paguwi ko. Ngayon, time na para maagang matulog...

---

kaso hindi ako nakatulog masyado kagabi, may nagtext naman na hindi nagpatulog sa akin, siya yung iniisip ko habang kausap ko sa telepono si Chill, kita mo nga naman ang pagkakataon...

kailangan niya ako ngayon... Kailangan niya ako, ilang beses na ba? Hindi ko binibilang, hindi ko inaalintana ang sakripisyo ko sa kanya, basta masaya siya ay masaya na rin ako... Yun lang ang goal ko.

Tinawagan ko siya ilang beses, pero ayaw naman sagutin. hanggang ngayong umaga hindi pa rin sumasagot... kailangang kong makasiguradong OK siya kundi hindi ako makakapagtrabaho ng maayos nito. Ganun yata talaga ako magmahal, kailangang OK ang aking mga mahal sa buhay para makagalaw ako ng maayos, makatulog ng matiwasay at makangiti ng tunay...

tinatry ko na ulet tawagan baka nakahiga na at nagpapahinga, sana sana ok siya at nasa mabuting kalagayan...

---

Nagtext na siya ngayon lang, hindi niya kayang sagutin ang telepono... dahil...


Sana Andun ako sa tabi niya...

No comments:

Post a Comment