Sunday, December 6, 2009

Iyong Ulap at Aking Bituin

(likha ni Ulap noong 13.12.07)

Nais kong hakutin
Sanlaksang bituin
Bubuo ng bagong araw
Na magniningning
Sa kulimlim na umaga
Sa nagbabadyang dilim
Bagong silahis ng pag-asa
Na ako ay iyo ring mamahalin

Bagamat likha lamang
Ng aking mga kamay
Sa kinabukasan ay
Ikaw pa rin ang hinihintay
Kahit maubos pa
Ang kanyang luningning
Mananatili pa rin
Nagliliyab na damdamin

Nais kong pigain
Mga ulap sa langit
Mga mapuputing bulak
Magdudulot ng ulang malamig
Magpaparamdam
Ng dalisay na damdamin
Magdidilig sa natuyong pag-ibig
Pati na sa amos ng ating nakaraan
Lulunurin tayo sa kagalakan

Oo ngat panandalian lamang
Ginhawang idinudulot
Ng aking ulan
Mag iiwan pa rin ito
Ng kaaya ayang kinang
Ng busilak na pagmamahalan
Sa kanyang paglipas
Kahit iyong ipagtabuyan
Sasamahan kita
Sabay haharapin ang alon
Matitinding sagupa ng tadhana

4 comments: