Tuesday, September 22, 2009

[viii] BLUE RIVER: Entr'Acte

“Sampalin mo nga ako, please, para magising na ako…” I requested Karen, early in the morning as we were eating our early breakfast at Jollibee. The meet up was scheduled but the fact that I haven’t got any sleep and asking her to wake me up with a fierce slap on the face was simply farce.

---

Dear Daniel,

Sa totoong buhay, nagalak ako sa lahat ng points na inilatag mo sa akin. Ewan ko ba paulit ulit kong binasa yung sulat mo pero para paring may nakabaong tinik sa puso ko, sabi nga the truth hurts eh. Bilang sagot sa lahat ng iyong mga sinabi narito ang aking mga nararamdaman sa mga panahong ito.

Masakit ang 3 magkakakambal na sampal ni KAREN, sa gitna ng EDSA sa ibabaw ng Ilog PASIG, totoo yon, pero hindi noon natinag ang paninindigan ko, hanggang ngayon din naman ay ganoon. Ang mas masakit lamang ay naghiwalay kami na pasa ang nasa pagmumukha ko, doon siguro papasok na mas malakas ang magagawa ng isang mahigpit na yakap kesa sa napakalalakas na sampal. Nakaraan na iyon, lumipas na kumbaga, napatawad ko na rin siya.

Noong sinabihan niya ako na selfish at kasindumi ng ilog pasig , well nagalit ako sa kanya talaga, pero tinawanan ko lang naman, as usual. Hindi niya siguro pa alam kung saan ako nanggaling at kung ano ang mga pinaggagagawa ko sa buhay ko bago siya dumating sa buhay ko. Alam mo yung buong buhay ko simula pagkabata ko ay ang inatupag ko lamang ay ang mapasaya ang mga magulang ko. At ang dahilan kung bakit ako nandito ay dahil din sa kanila, andami kong naiwan sa buhay ko... para lamang mapaunlad ang buhay namin, especially maibigay sa mga magulang ko ang kaginhawaan, Sa tulong ng Maykapal, natutupad ko naman iyon… kaya napakasakit na tawagin akong ganun sa kabila ng lahat ng aking sakripisyo sa buhay. Pero ok lang naman yun, opinion yun at hindi ko hawak ang kanyang isip. Nasabi ko lang sayo yung sintemyento ko kasi nabanggit mo eh, pero ok na kami ulet ni Nena Karen.

Siguro mas Hot Topic dito si SHAWN sa buhay ko, the fact na mahal na mahal ko itong tao na ito at malaki ang bahagi nya sa puso ko, yun eh AS OF NOW…

I had to agree na hindi nya ako ever gusto bilang kasintahan, isang napakasakit na katotohanan, na tanggap ko na naman. Ilang beses ko na rin yang iniyakan, saksi ka doon kaso hindi naman talaga naipipilit ang pag ibig diba...

Malaki ang pasasalamat ko sa kanya, kasi alam mo napatunayan ko sa sarili ko na ganoon pala ako katindi, na magagawa ko ang mga bagay na ganon sa isang taong hindi ko kaano ano...

Tama ka Dan, naging prority ko si Shawn last time , siguro umabot pa sa point na mas inuuna ko sya sa sarili ko pero never sa pamilya ko. Pero maniwala ka, noong panahon narealize ko na mahal ko na siya, sinasabihan ko na sya kagad sa nararamdaman ko at ayaw ko na nga siyang tulungan kasi the more nga na kinakailangan niya ako, the more nahuhulog ako, pero hindi natin dapat sisihin siya sa mga bagay bagay kasi nga biktima sya ng hirap ng buhay…

Napakasaya ko pag natutulungan ko sya, kung yon ang paraan para sumaya siya, gagawin ko DAN, siguro sa ibang parte ng pagkatao ko, paraan yon para mabili ang pag – ibig nya. Natatakot na rin sya sa para sa akin… pero para sa akin wala iyon, gayon nga yata pag nagmamahal.

Wag kang mag-alala, naiintindihan ko si Shawn, pero ako hindi niya siguro naiintindihan. Sa totoong buhay DAN, kaya kong ibigay lahat kay Shawn, pero bakit ko nga ba ibibigay ang lahat sa isang tao kung hindi naman fully naappreciate ang aking ginagawa, well sabi mo nga hindi kasalanan niya yun kasi he laid his cards sa akin at ako namang may katangahan din sa buhay ay talagang pinagpilitan ang sarili sa kanya… haha

Pinag aaralan ko pa rin hanggang ngayon na mabuhay na hindi siya iniisip. Napakahirap alisin sa sistema nitong si Shawn. Kumbaga para akong hindi makahinga, pilit kong iwinawaksi siya araw araw pero sa paglubog ng araw pag nakahiga na ako at kausap si God, kasama pa rin sya sa mga dasal ko. Na sana masaya sya at nasa mabuting kalusugan…



Back to negative ako dito…



Yan yung mga plano ko sa buhay… pilit ko munang hindi iniisip ang lovelife, nakakainis kasi, minsan lang ako mainlove pumapalya pa, haha.

“eventhough a person does not love you the way you want them to doesnt mean that they don’t love you with all they have…”
...

for now Daniel my friend, Lets enjoy life and I do hope na matagpuan mo na ang taong magmamahal sa iyo ng buong puso at buong buhay nia, I know kung paano ka magmahal, ive seen it, ive heard it and ive felt it already… and as for me, nagpapakatatag, sinisimulan muli ang buhay na mag isa ...

God bless you and take care always!
STP,

Prince

---

We walked along the bridge and I saw how filthy the PASIG River has become. And I recall how Karen has made the comparison between me and the river, how low I have become and how selfish I have been for the past few months or so.

Three resounding slaps on my cheeks, in the middle of EDSA, above the filthy Pasig river. She was indeed an obedient friend. And I miss her brutality and the way she wanted me to wake up on the false fairy tale.

---

Blue River, give me reason to pretend,
The need to smile and to send
My heart and My tears,
And my life at last to mend…

1 comment: