Friday, September 4, 2009

ADOBONG PAG-IBIG

Parang kaylan lang na sobrang ma-emo ako. Ma-emo pa rin naman ngayon pero hindi na kasing tindi ng kaemohan ko dati na lahat ng kantang naririnig na-aassociate sa buhay ko, lahat ng teleserye feeling ko ginawa para sa akin, pati mga comedy na pelikula iniiyakan.

Nagsawa na akong magmaktol sa mundo kasi feeling ko hindi naman siya kailanman titigil sa pag-ikot dahil lang sa isang tulad ko na nasaktan at nasugatan. Kaya nagpasya ako pagkagising ko isang araw na ngingiti na ako at tatayo, at hahanapin ang mga pangyayari, mga panahon o mga indibidwal na tunay na magpapabuhay at magbibigay saya sa aking buhay, malay mo ako din pala ang kanilang hinahanap diba. Nagkatulungan pa kami.

Hanga ako sa mga nagmamahal ng lubos. May nabasa akong entry mula din sa mga ma-emong blog dito sa blog world: Kung nagmahal ka ng lubos sa isang tao na hindi ka naman minahal ng wagas, gaano katindi at kadalisay ang pag-ibig mo sa taong talagang nararapat para sa iyo... makes sense diba?

May narinig pa akong kasabihan habang nagiinuman ang aking mga Kaibigan.

"Hindi lilipad ang manok kung iisa ang pakpak. adobohin nalang natin kaya?"
(parang pag-ibig din, hindi lilipad kung iisa lang ang pusong gumagana, kaya ang ending adobong pag-ibig lang yun)

narealize ko kaya pala apat ang chamber ng puso ng tao:

yung unang chamber para sa pamilya
yung ikalawa para sa kaibigan
yung ikatlo at pinakaimportanteng bahagi para sa iyo
at yung isang bakante ay para sa isang tao na paglalaanan mo noon.

suma tutal para Ke BRO yung buong puso natin dapat. :)

kaya kung buong puso natin ang ibibigay para lamang sa iisang tao na aangkinin iyon, parang unfair sa mga kapamilya mo at friends diba, at mas unfair sa sarili mo at ke Bro.

Kaya yung Adobong pag-ibig na naranasan ko, masarap nung una, masaya sobra, pero habang nagtagal na at napanis - kahit iinit muli at muling pakuluan, hindi na maaring manumbalik ang dating sarap. At kahit kailan pa may hindi na pwedeng buhayin ang manok kung dumating na ang hinihintay nyang isa pang pakpak.

Siguro yung susunod sa aking buhay, hindi manok ang gagawin kong kahalintulad, this time KALAPATI na, para mala Anghel. Made in Heaven kumbaga.

Nagutom tuloy ako bigla. =D

1 comment:

  1. naalala ko noon ang sinabi ko sa babaeng nagpupumilit sa akin ng pag-ibig niya. sabi ko apat ang chambers ng puso ko kaya kung payag siya, apat sila ang maghahatihati sa aking puso. buti na lang umayaw siya. dami palang selfish sa pag-ibig. gusto solo. hehehe

    ReplyDelete