Sunday, August 2, 2009

Pwede Na Ba Akong Magkaboyprend?

Malayo na rin ang narating nating dalawa ano. Ako eto nasa ibang bansa, nagpapakabayani kuno, ok naman ako dito, butas pa din ang bulsa, pero mapagtiis naman tayo kaya kakayanin ito. Wala masyadong nangyayari sa personal na buhay, stagnant kumbaga. Walang social life, hindi uso ang salitang gimik. Palagian na lamang nagsasarili sa kwarto, kung minsan ayun, naiimbitahan na mag videoke ng tropa. Gusto ko na ngang umuwi sa Pinas ng pangmatagalan eh, pero ano ba ang magagawa ko, nakalupasay pa ako sa lupa at hindi pa nakakabangon, hindi ko pa napapaghandaan ang buhay sa pilipinas, ayaw ko naman maging makasarili, kasi hindi ako magiging masaya kung ganun. Lovelife ko? Eto ako wala pa ring love life, ahaha, nakakatuwa ano, tanong ko nga lagi sa salamin, panget ba ako? Hahaha, malamang nga. Pero alam ko na yata ang dahilan kung bakit hindi pa, Maaring hindi pa ako handa o mailap siguro ako at tuwid ang tingin sa buhay. Kaya ayun hindi ko siguro napapansin ang mga tao tao sa paligid. Kumbaga sa isang tao lang ako nakatingin. Marahil ikaw ang taong iyon, hindi ko rin sure kung ikaw nga eh, pero ang sure ko dati ikaw yun, pero mukhang kelangan ko ng magsalamin kasi malabo na yata ang VISION ko sa buhay.

Ikaw kamusta ka naba? Makati Boy ka na, maporma ka lagi at gwapo pa rin. Paminsan minsan lang tayo nagkakausap ah, malamang sa hindi yung minsan na yun ay kung me kailangan ka sa akin. Kung kelangan mo ng magpapalubag loob, mahihingahan ng sama ng loob, mahihingan ng payo kahit na hindi naman ako magaling magpayo, yung magpapatawa sa iyo. Antagal nang ganun ako sa iyo yata ah, ako na lang palagi ang nagbibigay, ikaw na rin ang nagsabi nun ah at hindi ako- angels loving arms pa nga ang tawag mo eh sa sitwasyong ganun. Natatawa nga ako alam mo ba, ganun din ang ginawa ko sa isang tao dyan sa tabi tabi, as in over the top of the world yata yun eh, mas higit pa sa nagawa ko sa iyo, pero iniwan din ako, oks lang naman sa akin yun, no regrets kumbaga, ginusto ko yun eh, bakit ba.

Masaya ako at naidaos ng matiwasay ang kasal nyo ng babaeng “mahal” mo at nabuntis mo. Nung Makita ko ang pictures nyo, hindi ako nagselos, wala naman akong “K” eh as in karapatan, medyo nagtampo lang ako kasi kahit man lang simpleng pagiimbita hindi mo nagawa… kahit sabihin mong “walanghiya kang kaibigan ka, ikakasal na ako, kahit hindi ka makarating ok lang”. kahit yun lang masaya na ako dahil naalala mo ako, pero hindi mo talaga ako naalala. Ok lang yun sa akin, as long as Masaya ka sa tinahak mo. Pero hindi eh, hindi nakikita sa ngiti ng tao sa isang litrato ang kasiyahan, patawarin mo ako pero sa mga mata mo nakikita ko na hindi ka Masaya… marahil tama ako, marahil hindi. Pero ikaw na rin ang nagsabi sa akin dati na maaring ito ang pinakamalking pagkakamaling nagawa mo sa buhay mo

Alam mo madali naman akong makalimot ng sama ng loob, ok lang naman sa akin na after na hindi kita napagbigyan sa hiling mo dati at may inuna ako bukod sa iyo, hindi mo na ako kinibo. Kaibigan kita at pinilit inintindi, Hinabol kita pero ambilis mo naman yata tumakbo. Milya milya na nga ang layo natin aba eh, nag invisible mode pa ang drama mo. Hindi mo man lang naisip kung ano ang napagdadaanan ko dito no? pero bale wala yun, asus, superman yata ako eh. Ngayon babalik ka muli kasi kelangan mo ulet ako, aba nakakahalata na ako ha. Kasi alam mo may tao dati sa paligid na nakakaalala lang pag may kailangan, wag naman sanang ikaw ay maging kagaya nya, kasi anlaki ng respeto ko sa iyo eh. Nagamit na dati ang puso ko ng isang taong hindi naman YATA karapatdapat kaya nag iingat na ako ngayon eh. Ang hirap sumugal no, wala na akong pantaya, ubos na.

Magkakaanak ka na, ansaya diba, syempre nagprisinta akong ninong. at sure ako magandang bata yang anak nyo, gwapo ka at mabait sya at maganda din naman syempre. Nalulungkot lang ako dahil lalaki siyang hindi buo ang pamilya. Sana kung malaking pagkakamali ang magpakasal ka, huwag naman sanang maging pagkakamali ang iyong pakikipaghiwalay. Kaya yung alok mo sa akin na pwede parin nating gawin yung isang beses na nangyari sa atin, hindi ako pumayag kasi, hello ang una kong relationship kabet kagad ang ending ko… hindi ako bagay maging kabet ano, pang Official Wife material yata ako, hehe joke lang, pero more importantly mangangako ka sa harap ng Diyos eh, kaya hindi na carry ng kapangyarihan ko yun. Pero nasambit mo nga kinausap mo si Lord about sa totoong mga nangyayari sa puso mo. Ano nga kaya ang nasa puso mo. Hindi ko kayang magtanong sa iyo eh.

Still, parang may mali na sa ating dalawa. Kaya tinanong kita kung pwede na akong magkaboyprend, kasi sa sagot mo siguro malalaman ko kung ano ang mali at kung ano ang natitirang tama sa atin.

Hindi nga ako nagkamali, sinagot mo ang matagal nang gumugulo sa akin.

Sabi mo gusto mo akong maging Masaya, kaya ok lang na magkaroon ako ng lovelife, pero kung mahihintay pa kita at maayos na ang buhay mo at nakipaghiwalay ka na ng maayos sa misis mo pwede na siguro maging tayo. Taon pa siguro ang bibilangin noon. Ang swerte ko siguro ano ako kauna unahan mong boyfriend, ahaha, naka 18 girfriends ka na at ako ang kaunaunahang boyprend. Ahaha. Biro lang ulet.

Biruin mo antagal kitang hinintay tapos paghihintayin mo ulet ako. Pero hindi iyon ang sagot na hinihintay ko kundi

“LUV YOU, MWAHH”

Oh Diba ansaya. May nagmamahal din pala sa akin. Pero bakit ba ang linyang ito na malimit manggaling saiyo nawalan na yata ng kahulugan para sa akin… Kaya pagpasensyahan mo na ako kung hindi ko maireciprocate ang linyang iyan tulad ng dati kasi ayaw kong magsambit ng mga salitang hindi na nararapat eh.

Andrama ko ano. Pasensya na ha, talaga lang wala nang dating sa akin eh. Iyun siguro ang maaring pagkakamali mo sa mga babaeng minahal mo, nagsasabi ka ng mga linyang hindi mo naman isinasapuso. Hindi lang sa pagsasabi iyon eh, ginagawa din. Pasensya na ulet ha, pero never ko pa naramdaman talaga na mahal mo ako eh. Ilang beses ko na bang narinig sa iyo iyan. Sa salita lang, nasasabi pero sa gawa, hindi. hindi na ako mag e elaborate kasi, i would sound bitter. Kaya siguro wala akong maging boyprend kasi deep inside siguro hinintay kita, at eto ka na nga nag ooffer na maaaring may possibility in the near future na pwedeng mangyari, pero parang may mali na. Hindi na ikaw ang prince charming ko, napagtanto kong ako pala ang Prince charming mo at ikaw ang prinsesang palagi ko na lang sinasagip.

Ready na naman akong magmahal na, pero hindi na yata para sa iyo ang puso ko eh. Hindi mo naman napatunayan ang mga sinasabi mo, siguro nga dahil sa dami ng dala mong bagahe sa buhay na ito, nakalimutan mo na kung ano ba talaga ang magpapasaya sa iyo., kaya hindi naman kita masisisi, alam ko ang hirap na dinadaanan mo, pero sumuot ka sa matinik na landas na iyan eh, kaya kitang hilahin palabas tulad ng ginagawa ko dati, pero masusugatan na naman ako eh. Kagagaling lang ng sugat ko dahil sa matinik na landas na pinasok kong mag isa, wala ka namn dun para iligtas ako, kaya ang hirap sumugal.

Magkaibigan tayo hanggang sa huli, tunay iyun at walang bahid kasinungalingan, pero hindi ko maipangako ang puso kong ilang beses mo nang iniwan sa ere, ayun nag snow, bumagyo at umihip pa ang malamig na hangin, nanigas tuloy. Pangarap ko dati na mahalin mo din ako, dadating o dumating na nga siguro ang panahong iyon pero bakit parang nagising na yata ako bigla sa isang panaginip. Tanda mo pa kaya ang sagot mo sa tanong ko sa iyo noong isang taon na hindi ka pa kasal? Kung anong pagmamahal ko ang pipiliin mo, pagmamahal bilang kaibigan o bilang ka-ibigan. Pinili mo ako bilang kaibigan eh, wise decision nga yun diba.. kaya ayun simula noon, iniayos ko na ang buhay ko na hindi na ikaw ang tinatanaw kundi isang taong mas higit na magpapahalaga sa akin.

Sana kahit hindi kita mailigtas ngayon, maging magkaibigan pa rin tayo, hangad ko ang kaligayahan mo kaibigan pero kelangan ko na rin kasing iligtas ang sarili ko eh., para maging masaya din naman ako.

Uhaw nga ako sa pagmamahal pero hindi sa pag-ibig.

2 comments:

  1. how sad.. matatagpuan mo rin po taong para sau... and am sure that wud be the partner na mamahalin ka...

    cheer up

    ReplyDelete
  2. Ang lungkot nmn ng mensahe,parang nadudurog ang puso ko para dun sa taong nagsusulat nito o ung taong nakaranas nito.Kung sino kaman kaibigan,karapatan mong sumaya,karapatan mong mahalin ka,at karapatan mong mag desisyon na kung anung dapat at di dapat,lalo na ngayun may sabit na xa..Kaya mo yan kaibigan,isa kang matapang na tao,at kaya mong labanan ang anu mang sinisigaw ng puso mo.Alam mo naka relate ako d2,Girl ako,at nag mahal ako ng girl din,akala ko dati love nya ako un din nmn din ung sabi nya sa akin,ang galing nmn din kasi niya manghuli ng loob kaya na inlove talaga ako sa kanya,at heto pa umalis xa ng bansa na di man lang ako kinausap,sa galit ko nag asawa ako, na labag sa loob ko,malaking pagkakamali talaga na ginawa ko sa buhay ko,pero ok na din seguro to para di na ako masasaktan.Mahal din nmn ako ng asawa ko kaso di ko xa mahal,ung mahal ko ung sinaktan ako..Ewan,tapos after years passed nagpaparamdam xa,gulat xa may asawa na aku,sabi nya love daw talaga nya ako,umiwas lang daw xa dahil gusto nya matapos ko school ko,nagun bumalik xa huli na xa,3 years na rin akung kasal.Pero ang sabi nya hihintayin daw nya ako kung kailan ako malaya..Tanong ko lang masama po bang mag mahal ulit sa taong nanakit sayo?Alam kung mali,malaking kasalan sa Dios etong nararamdaman ko sa kanya kasi may asawa na ako,higit sa lahat,nagmahal ako sa kapwa babae din,doubling kasalanan talaga.Ewan..bahala na nga.

    ReplyDelete