Wednesday, August 26, 2009

INGGIT

INGGIT
26.08.09

Naiingit ako sa mga taong matitigas ang puso
Paano kaya nila natitiis ang mga taong namamalimos ng kanilang pagtingin?
Paano kaya nila naatim na pahirapan ang mga taong pusoy gawa sa bulak?
Paanong nakikimkim ang dapat sanay napakadaling sabihing pamamaalam?

Naiinggit ako sa mga taong madaling makalimot
Yun bang may amnesia o di kayay amnesia-amnesiahan
Pilit na kinakalimutan ang kanilang nakaraan, matagumpay na naisasakatuparan
Kalimutan na ang lahat- kaibigan, pagmamahal, pagmamalasakit at ang sariling katauhan

Naiinggit ako sa mga taong walang pakialam
Kahit pa magunaw ang mundo, wala silang pinangangambahan
O kahit na may nagmamakaawang kaibigang nais lang namay kanilang kasiyahan
Kahit na mabaliw sa kakatanong kung bakit, tigas pa rin sa pag iwas

Naiinggit ako sa mga taong Malihim
Kasi kaya nilang kimkimin lahat ng sama ng loob at kaligayahan
Kaya nilang hindi umiyak sa panahong madrama ang kinalalagyan
At kaya nilang itago ang tunay nilang nararamdaman

Naiinggit ako sa mga taong Galit sa mundo
Pagkat kaya nilang manakit, na para bang ang buhay ay sadayang isang laro
Pagkat sila ang naghahari harian sa mundong para lamang sa malalakas ang loob
Pagkat palagi gusto nilang sila ang nananalo

Naiinggit ako sa mga taong Nang iiwan
Nais kong malaman kung ano ang pakiramdam ng manakit ng pusong sugatan
Nais kong matutunan kung paanong isip nilay gumagana
Naisin kong matanto kung ano ang kanilang mga dahilan

Naiinggit ako sa mga Taong Barumbado
Kayang ilabas, isuntok, ihampas, ibalibag sa ibang tao ang sama ng loob
Kayang harapin ang katotohanang ikaw ay pwede ring mabugbog
Kayang kayang salagin ang mga nakaumang na suntok, sampal at kurot

Naiinggit ako sa mga taong mahimbing matulog
Kahit na sandamakmak ang problema, kaya nilang kalimutan saglit
Kahit na paggising mga masasakit na ala alay muling magbabalik
Upang itulog ulit maya maya ng mahimbing

May kemikal ba na nagpapatigas ng puso?
Paano ba matututunan ang hindi pangingialam at paglimot?
Paano ba kimkimin at ilihim ang sakit na nararamdaman?
May kurso ba sa eskwelahan kung paanong galit ay tunay na maramdaman?
Paano nga kayang mang iwan ng taong minamahal, nais kong malaman
Pati na ang magpabugbog at mambugbog ng taong walang muwang
Gusto ko nang matulog, ng matiwasay, walang halong kahirapan

5 comments:

  1. ang dami ng blogs na nagbago... sino ka nga uli?

    ReplyDelete
  2. grabe naman yata pinagdaanan mo prince_cloud :(

    ReplyDelete
  3. di lahat ng traits meron tayo. kung anong meron ka ipa inggit mo sa iba. hehe

    ayos lang yan. mabaho din yung mga kinaiinggitan mo. =)

    ReplyDelete
  4. @isipipis ako ay si Cloud!

    @engel - sobra sobra

    @xtian wala yan malalagpasan din ito

    @mksurf8 mababaho nga yang mga yan =D

    ReplyDelete