Tuesday, July 7, 2009

A Story of Unrequited Love

how powerful love can be?

ive written this song a while back, thinking of someone who can never be mine. Still ill always be here for him, as a friend.

My Voice aint good, but i do think the composition is a great one. thats why i wanna share. hopefully one day, this would find a way on the radio. (anlakas ng pangarap)



Recorded using Raoul's 1.3 megapix webcam while i was suffering from colds, hence the voice. :D

KATABI

Music and Lyrics by Cloud

Bakit ang layo ng tingin mo palagi?
natagpuan na ba ang hinahanap mo?
Sa tagal ng paglalakad, pag-aabang
At pagtanaw sa dako roon,
Ako ang napapagod sa iyo.
Tapos sinasabi mo, nahihirapan ka na

Sa pag tiad ng mga paa,
Sa pagkaway ng mga kamay
Sa pagkunot ng iyong noo,
Sa pangingilid ng luha sa mga mata.
Hindi kita iiwanan,
Nandito lang akot katabi

Ako ang tutuyo ng luha sa iyong mukha
Nang maningning na matay, muli kong makita
Nang madampian, busilak na kutis
Kahit kaunting ngiti ay araw sa gabi.
Hanggang handa ka nang muling hanapin SIYA

Sa pag tiad ng mga paa,
Sa pagkaway ng mga kamay
Sa pagkunot ng iyong noo,
Sa pangingilid ng luha sa mga mata.
Hindi kita iiwanan,
Nandito lang akot katabi

Bakit hindi na lang lumingon sa tabi mo?
Baka mapagtanto mong nandito lang pala ang sinasamo
Dahil sa layo ng tingin hindi mo sya napapansin.
Kasamat, katabi sa gabing malamig na at madilim.

Hindi kita iiwanan,
Nandito lang akot katabi

3 comments:

  1. why do i smell an ounce of kalibugan here? hehehe....

    ReplyDelete
  2. Hehehe. Di naman ganun ka-emo ang melody kuya. :P

    ReplyDelete