Thursday, July 16, 2009

"PROMISE RINGS"

“I love the concept of promises… something to accomplish, something to hold on to, something to look back and lead you home, something worth fighting for and that something that sometimes impossible to achieve- most often than not broken, but when fulfilled, oh what a joy” - Cloud

---

planning to go to Gold Market tom with tropa. pumasok na naman sa utak ko na bumili ng 2 promise rings.(Twitter)
---

Antagal ko na balak bumili ng gold rings. Dalawa, isa para sa akin at isa sana para sa aking una, kung sino man siya. Gusto ko yung thought na, yun ang una kong ibibigay na regalo, if ever nga na magkaroon nga ako ng una. Ang plano sana Itatago ko muna yung mga singsing tapos pagdating nya ibibigay at isusuot ko sa kanya. Romantiko.

Sa katangahan ko dati, bibigyan ko sana ng 2 promise bands si James, isa para sa kanya at isa sa baby nya. Masaya ako makitang masaya ang tao anuba. Kahit hindi ako yun. Totoo, weh mahal eh. Buti na lang at hindi nya tinanggap ang idea at buo pa rin ang konsepto ng aking promise rings. Tanong ng mga kasamahan ko bakit singsing kagad ang ibibigay ko, weh napakamahal non at hindi pa yata raw nararapat. Ewan ko rin nga ba, hindi ako mahilig sa alahas at kung anumang abubot sa katawan. Wala akong relos at kahit isang gintong bagay sa katawan, bukod sa puso of corse, haha. Pero nung kolehiyo ako ibinigay sa akin ng nanay ko ang kanyang wedding ring at ipinagkatiwala sa akin, hanggang nakapagtapos ako. Simbulo yun ng promise ng inay at tatay na pagtatapusin ako at nairaos nga nila ako sa king pag aaral. Ibinalik ko ang wedding ring nya nung mangibang bansa ako. Mahal na mahal ko ang singsing na iyon, simple pero malaki ang kahulugan. Doon nabuo ang aking idea ng promise ring na hanggang ngayon ay idea pa rin lang.

Yung mga singsing simbolo ng pangakong Siya lang at wala nang iba. Simpleng thought pero rock. Na sa tuwinang hahawakan ng hinlalaki ang palasingsingan na nagtataglay ng gintong singsing, maaalala palagi ang pangakong binitiwan. Pangakong tutuparin, panghahawakan, ipaglalaban. Surreal, pero kayang tupadin.

Kaso sa tuwing pupunta ako sa alahasan, nagdadalawang isip ako. Ilang taon na rin ako nagpapabalik balik doon pero bakit hindi ko mahawakan ang mga sing sing na makikinang. Maaring hindi pa oras na mapasaakin ang mga iyon. Kaya hanggang tingin na lang ako. Nahihili nga ako nung bumili si Pareng Ram ng wedding rings nya. Sobrang ganda, sabi ko ”makakabili rin ako nyan” sabay tawa.

Ayun tuloy puro hikaw, kwintas, at pulseras ng inay ang nabibili ko parati pag punta ko ng gintuan, At ang inay tuwang tuwa naman.

Namimiss ko ang magkaroon ng singsing sa kaliwang palasingsingan. Tsaka na ako bibili pag alam ko na ang size ng palasingsingan Niya, kung sinuman Siyang paparating.

=)


No comments:

Post a Comment